MEDALYONG SAN BENITO | ANG TAMANG PAMAMARAAN SA PAGDEDEBUSYON NG MEDALYONG ITO

 PODER NG MEDALYONG SAN BENITO | SAINT BENEDICT MEDALLION


NARITO ANG KOMPLETO AT TAMANG PAMAMARAAN NG PAGDEDEBUSYON SA MEDALYONG SAN BENITO


Ang medalyon ni San Benito ay sinasabing isa sa pinakamabisang medalyon laban sa masasama. Ito ay proteksyon laban sa mga masasamang tao, espiritu at elemento sa paligid. Pantaboy rin ito sa mga alagad ng demonyo at pang iwas sa lason. Madali lang din itong paganahin at makuha ang birtud nito.


KOMPLETONG DASAL/DEBUSYON PARA SA MEDALYON NG SAN BENITO.


PARA SAAN ANG MEDALYON NI SAINT BENEDICT O SAN BENITO?


Ang medalyon ni San Benito ay sinasabing isa sa mga pinakamabisang medalyon. Proteksyon ito sa mga masasamang espiritu, kulam, barang, palipad hangin, engkanto, elemento etc. Ito rin ay ginagamit pantaboy sa mga demonyo, kontra lason at iba pa. Napakaraming gamit ng medalyon na ito kung iyong tutuklasin. Magagamit mo ito bilang exorcsismo sa sinasaniban ng demonyo o masamang elemento. Magagamit din ito bilang panggagamot sa na-espiritu o nabati ng di nakikitang nilalang.


Hawakan sa kanang kamay tuwing pakakainin ng dasal ang medalyong San Benito kasunod ng pag-ihip sa medalyon ng pakrus. Para naman sa mga mag uumpisang buhayin ito ay wag kalimutang pabasbasan sa pari bago ito debusyonan.


Madaling mapagana ang medalyong ito na kailangan mo lamang itong debusyonan sa loob ng 49 araw ng walang patlang sa pamamagitan ng orasyon na kaakibat nito. Ang pagdedebusyon ay umpisahan sa unang biyernes ng buwan at sa oras na 6am - 6pm o kahit anong oras na bakante mo basta wag ka lang lumagpas ng hating gabi. Kapag ikaw ay nakalimot magdasal ng 6am ay doon ka na lang sa oras ng 9am. Ganun din sa 6pm pag nakalimot ay doon ka na lang sa 9pm. Pag ikaw naman ay nakalimot magdasal ng isang araw ay kailangan mo ulit magsimula sa unang biyernes ng buwan.


PAKATANDAAN:

Ang tunay na medalyong San Benito ay yung may "EX S M Casino MDCCCLXXX" sa ibabang bahagi ng paa niya. Simbolo yan ng petsa at lugar ng kapanganakan niya kaya kapag bumili kayo ng Saint Benedict Medal hanapin ninyo yung may tatak na ganyan.


Bago manalangin ay magsindi muna ng puting kandila sa altar. Magsindi rin ng insenso at pagkatapos ay ikalat ang usok nito sa paligid.


PANIMULA :


IN NOMINI PATRIS ET FILII ET ESPIRITU SANCTI (1x)


Mahal na San Benito, dakilang huwaran sa lahat ng katangiang maka-Diyos at busilak na sisidlan ng biyaya ng Panginoon. Ikaw ang takbuhan ko sa harap ng mga panganib na nakapaligid sa akin. Kaya't tulungan mo po ako. Gabayan mo po ako upang maiwasan ko ang anumang makapagbubulid sa akin sa kasalanan at ang lahat ng labag sa kalooban ng Diyos.


Mahal na Diyos, inilaan mo ang iyong banal na monghe, Si Benedictus, bilang isang pinuno at panginoon sa buhay na espiritwal para sa mga di mabilang na mga tagasunod. Puno na kasama niya ang diwa ng lahat ng mga makatarungan, Pinabaha mo siya ng kapangyarihan ng iyong liwanag. Sa matinding ningning ng ilaw na ito ang kanyang isip ay napalaya ng sagabal at nakilala niya kung gaano hindi kumpleto ang lahat ng mga bagay dito sa lupa. Dahil dito ang buong mundo ay umaawit ng kagalakan, kasama ang lahat ng mga anghel, patuloy na pinupuri ang iyong kaluwalhatian. Ang espiritu na binuhay ang inyong lingkod na si Benedictus. Punan ulit kami ng iyong Banal na Espiritu upang malaman naming mahalin kung ano ang mahal niya at isagawa ang kanyang mga turo. Habang pinupuno mo si Santo Benedicto ng diwa ng lahat ng matuwid, bigyan mo kami, iyong mga lingkod, na ipinagdiriwang ang kanyang buhay at lahat ng kabutihang nagawa mo sa pamamagitan niya, kanyang mga tagasunod, at ang kanyang Banal Na Panuntunan, upang mapuno ng kanyang espiritu, na kami maaaring matapat na magampanan ang iyong kumpletong Kalooban. Hinihiling namin ang lahat ng ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na kasama Mo ay nabubuhay at naghahari, iisang Diyos, mundo na walang katapusan. Amen.

+

AMA NAMIN (3x)


Ama namin, sumasalangit Ka

Sambahin ang ngalan mo

Mapasaamin ang kaharian Mo

Sundin ang loob Mo

Dito sa lupa, para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.

At patawarin Mo ang aming mga sala,

Para ng pagpapatawad namin

Sa mga nagkakasala sa amin.

At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,

At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Sapagka't sa iyo'y nagmumula ang kaharian, ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpasawalang hanggan.

Amen.


ABA GINOONG MARIA (3x)


Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at ipinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen


SUMASAMPALATAYA (3x)


Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Ipinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula’t paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan at sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.


LUWALHATI (3x)


Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Amen


IN NOMINE PATRIS ET FILII ET ESPIRITU SANCTI. AMEN.

+

ANIMA CHRISTI

+

PERSONAL PRAYER

+

ISUNOD ANG PODER

(Ibulong ang poder na ito sa medalyon habang hinahawakan ng kanang kamay)


SALUMTUM MUNDI SAMISANA

UTIHIC VIVIT REX SELIM MURO

MEUM HILELETATEM JESUS

JESUS JESUS JERUSALEM+

+PLOMUV+PLECULETIAN+

PERTATUM+PETULAM+PERDATUM+

EL PROBATUR SALUTARE

SANCTA MARIA EGOSUM

PACTUM HUM EMOC GEDOCDOC

GUAT NI SICUT DEUS EXENIHILU

SANCTUS BENEDICTUS MONACH

OCCID PATRIARCH PAX JOTA JETA

SIGMA JESUS HOMINUM SALVATOR

CRUX MIHI REFUGIUM

CRUX SANCTA MARIA YSOSALIME

CRUX SUAMBIT PECABIT

CRUX ESGUAM SEMPER ADORO

CRUX DOMINE MECUM

CRUX SANCTI PATER BENEDICTI

CRUX SACRA SIT MIHI LUX

NON DRACO SIT MIHI DUX

VADE RETRO SATANA

NUNQUAM SUADE MIHI VANA

SUNT MALA QUAE LIBAS

IPSE VENENA BIBAS

PER CHRISTUM DOMINUM NOSTRUM

PATER ADONAI XIUXUMUX SALVA ME, SANCTI ESPICO, AYUDAD ME. AMEN.


Basag sa likod ng medalyon

usalin ng tatlong beses at iihip ng tatlong beses sa medalyon ng pakrus.


CRUX SANCTI PATRIS BENEDICTI

CRUX SACRA SIT MIHI LUX

NON DRACO SIT MIHI DUX

VADE RETRO SATANA

NUNQUAM SUADE MIHI VANA

SUNT MALA QUAE LIBAS

IPSE VENENA BIBAS


Basag sa harap ng medalyon

usalin ng tatlong beses at iihip ng tatlong beses sa medalyon ng pakrus.


CRUZ SACRA PATRIS BENEDICTI CHRISTUS SALVATOR SACERDOS MONS LAPIS NICAS DOMINUS SABAOTH MAGISTER DEUS VERITAS REDEMPTIO SAPIENTA NAZARENUS SOL MESSIAS VIA SPONSUS MEDIATOR QUASSATUS LEO IESUS VERBUM BOTRUS.


Ito naman ang SUSI na babanggitin mo na pang mabilisan sa oras ng panganib.


JESUS HOC SALVATOR INUM SUUM SUJITUM SALVAME JESUS


PAMPALAKAS O PAKAIN NG MEDALYON

Dasalin sa gamit tatlong beses tuwing martes at biyernes


HAEC DONA HAEC MUNERA

HAEC SANCTA SACRIFICIA ILLIBATA

ALSASES LATORES CAENIG AOEUI

ADNA CELIM GAIGAPANANIGAN

MEC MAC MAIGSAC MASAC MASUD

ARAM ARADAM ADRADAM ABE ABEUC ABEIC ABEICA CARMAR ACOC UHA AHA HAH JOHAOC ABHA HICAAC JUA-AHU-HAI


ANG PAG-BEBENDISYON NG MEDALYON:

In Nomini Patris Et Filii Et Spiritus Sancti. Amen. Ang tulong natin ay sa ngalan ng Panginoon, na siyang may gawa ng langit at lupa inaalisan kita ng masamang espiritu, oh medalya ng Diyos Amang makapangyarihan, na may gawa ng langit at lupa at ng lahat ng bagay na naroroon. Nawa'y lahat ng lakas ng mga kaaway, ang lahat ng maka-demonyong anyaya, Lahat ng pag-salakay, lahat ng mga guni-guni ni satanas ay maaalis sa medalya na ito ay maging kapaki-pakinabang sa kasalukuyan sa kaisipan at katawan sa gagamit nito:

Sa ngalan ng Amang makapangyarihan, at ni Jesukristo, ang Kanyang Anak at ating Panginoon at ng banal na espiritu ang paraclete at sa pag-kakawang gawa ni Jesukristong Panginoon na siyang paparito at huhukom sa mga nabubuhay at namamatay na tao at sa daigdig sa pamamagitan ng apoy. Siya nawa.


Makapangyarihang Diyos, tagapamahagi ng mabubuting biyaya, buong pakumbaba naming hinihiling sa Iyo na sa pamamagitan ni San Benito, ipagkaloob mo sa medalyang ito ang bendisyon, upang lahat ng magtataglay nito at pagsisikapang gawin ang mga gawain ay maging dapat kamtin ang kalusugan ng katawan at pag iisip, ang grasya ng kabanalan at ang mga indulhensiyang ipinagkaloob sa amin, gayon din pagsikapan nila sa pamamagitan ng iyong mahabaging tulong ay maiwasan nila ang mga bitag at pandaraya ng mga demonyo, at humarap silang banal at walang dungis sa inyong paningin. sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Siya nawa.


Pagkatapos nito ay wisikan ang medalyon ng holy water. Habang winiwisikan ng holy water ang medalyon ay sinasabayan ng salitang

"IN NOMINI PATRIS ET FILII ET ESPIRITU SANCTI". Tatlong beses wiwisikan ng holy water ang medalyon at tatlong beses din ninyong babanggitin ang salitang IN NOMINI PATRIS ET FILII ET ESPIRITU SANCTI.


Ito ang dasal o debusyon sa 49 araw:


Pag aantanda ng krus

3 Ama Namin

3 Aba Ginoong Maria

3 Sumasampalataya

3 Luwalhati

1 Anima Christi

1 Personal Prayer

3 Bakod

3 Balabal

1 Poder

3 Basag sa harap

3 Basag sa Likod

3 Susi

3 Pampalakas (HAEC DONA)

20x Pondo

3 Dasal Pang silyo

3 Dasal kontra diskomunyon

1 Pagbati sa Anghel Dela Guardia

3 Pampalakas ng katawan (JIVAY JEOVA)

Pag-antanda ng krus


Pagkatapos ng 49 days na debusyon ito nalang ang dadasalin tuwing martes at biyernes sa kahit anong oras.


pag-antanda ng krus

3 Ama Namin

3 Aba Ginoong Maria

3 Sumasampalataya

3 Luwalhati

3 basag sa harap

3 basag sa likod

3 Susi

3 HAEC DONA

3 Silyo

3 Kontra diskomunyon

1 Pagbati sa Anghel Dele Guardia

3 Pampalakas ng katawan ( JIVAY JEOVA)

pag-antanda ng krus


PAMILIN:

Kapag natapos ang mga ritwal pagkalipas ng 49 na araw, itago ang medalya sa isang hindi nagamit na sobre at itago ito sa isang drawer box o closet at huwag hawakan sa loob ng 24 oras. Kung lumipas na ang 24 oras pwede nang magamit ang medalya.


#sanbenito

#debusyonngsanbenito

#debusyon

#medalyonngsanbenito

#agimat

#bertudngsanbenito

#medalyon

#poderngsanbenito

#poder

#pondo

#pakaingdasal

Comments

Popular posts from this blog

MACABAN CITY | ANG MAHIWAGANG LUNGSOD NG MGA ENGKANTO

10 ELEMENTS BRACELET | SAMPUNG SAGRADONG KAHOY NA NAGMULA SA BUNDOK BANAHAW